Paano dapat mag-budget ngayong may pandemic
Hello po mga Happy Mommy, ang pag-uusapan po natin ngayon is about budgeting in this time of pandemic Ang pagba-budget kasi ay isa sa mga unseen work at isipin ng mga nanay.
Well, I know what runs into your mind. Paano kami mag ba-budget kung wala nang iba-budget? Hindi kayo nag-iisa dahil karamihan sa atin ay naapektuhan ang pangkabuhayan at tunay naman talagang napakahirap mag-budget lalo na nga kung ubos na ang ating mga ipon at nawalan pa tayo ng source of income.
Nabago rin ng pandemya ang pamamaraan natin ngayon ng pagba-budget. Kaya naman nagsaliksik ang Happy Mommy ng mga pamamaraan to get us back on track.
Una alamin muna natin ano nga ba ang budget? Ayon sa mga financial experts, ito ang estimate ng gastos base sa ating kinikita. Para mas madaling maunawaan ito ang listahan ng ating kinikita at pinagkakagastusan. Narito ang pitong simple subalit epektibong budgeting tips:
- 1. Importante na meron tayong notebook or ledger kung saan natin itatala ang ating income and expenses. Maari ring magtala sa inyong gadgets kung kayo ay techie mommy. Ang mahalaga ay mo-monitor natin kung saan napupunta ang ating kinikita at kung ano ang ating pinagkakagastusan dahil kung walang listahan, siguradong magtataka tayo bakit ubos na ang pera.
- 2. I-prioritize ang needs vs wants. Hindi natin alam kung hanggang kailan pa tatagal ang krisis na hinaharap natin ngayon (covid-19 pandemic) kaya mahalaga na unahin ang needs o pangangailangan ng pamilya tulad ng pagkain, gamot at tirahan. Kapag sinabi nating “needs” ibig sabihin, ito ang mga bagay na “we can’t live without.” Kaya kapag sinabing pagkain, hindi kasama dito ang milk tea o mamahaling kape. Ang “wants” naman ay mga bagay na gusto natin but we can live without. Iwasan na rin ang mga e-commerce websites at mga sale promotion upang hindi na ma-engganyo pa na mag-order online ng hindi kailangan.
- 3. Mahalaga rin na magkaroon ng pagpa-plano sa monthly budget. Alamin na ang mga fixed expenses, (house rentals, insurance, education, monthly bills at iba pang kauri nito). Makatutulong ito upang malaman kung magkano ang dapat pagkasyahin.
- 4. Maaring umattend sa mga Free Financial Literacy Webinars upang magkaroon ng dagdag kaalaman at maaring makatulong sa ating pagba-budget. Kailangang malaman natin ang mga strategy na magiging effective para sa atin.
- 5. Kailangan din ang matinding disiplina sa pagba-budget. We need to live within our budget. Pagkasyahin kung ano ang meron tayo.Ngunit ang matinding tanong ng karamihan sa atin “Paano makakapag-budget kung wala ng iba-budget?”
- 6. Kailangan pa ring magbudget pero sa pagkakataong ito ay expenses lang ang mailalagay natin sa ating ledger or notebook. Cost-saving strategy naman ang gagamitin natin. Harapin natin paano ba natin mababawasan ang mga expenses na ito.. Tanggalin na rin ang mga subscription na hindi na kailangan at nakakadagdag pa ng mga gastusin. Bawasan din ang pag konsumo sa elektrisidad at marami pang iba. Mag-adjust sa mga gugulin kagaya ng pamamalengke o grocery. Diskarteng Happy Mommy tayo
- 7. Maging resourceful din tayo upang magkaroon ng pagkakakitaan lalo na sa panahon ngayon. And take note ayon sa mga eksperto hindi laging cash ang kailangan nating i–invest. Tumingin lang tayo sa ating paligid. Baka meron kayong mga bike na pwedeng gamitn sa inyong pag deliver or mga pasa-buy item. Makakatulong ito para magkaroon ka ng pagkakakitaan. Maaari ring mag online-selling. (Sa mga susunod na pagkakataon ay pag-uusapan naman natin ang tungkol sa online selling)
Samantala, nagtanong din tayo sa ilang Happy Mommy ng kanilang ginagawang pamamaraan ng pagba-budget:
Diskarteng Happy Mommy
Mommy Cogie Happy Mommy of Bulacan: “Pagtitipid po halimbawa po dati po nakakalabas pa po kaming buong pamilya para po mamasyal, manuod ng sine, kumain sa labas, ngayon po kahit sa bahay, kaya na po naming gawin, kumakain ng sabay sabay kahit po konting pagsasaluhan, sama-sama pong nanunuod ng TV, minsan po masayang nagkukwentuhan ang importante po masaya at sama-sama. Saka yung mga hindi naman po mahalagang bagay na dapat bilhin hindi na po namin binibili kung ano pong meron napagkakasya na po.”
Mommy Ging Happy Mommy of Quezon City: “Napakahirap sagutin ng tanong. Kasi yung mga prices ng bilihin lalong tumataas. Tipid na tipid upang makatawid. Gumagamit ng planggana kapag naghuhugas ng plato upang magamit pa rin ang tubig sa ibang panlinis sa bahay.”
Mahirap ang pagbu-budget sa simula at kung hindi nakasanayan. Lalo na kung hindi natin alam kung paano pagkakasyahin ang ating kinikita. Kaya kailangan nating maging wais at madiskarte.
Hindi natin maiiwasan na maka-experience ng kahirapan at iba’t ibang mga challenges. Dapat tayong mga Mommy ay manatiling matatag at anuman ang mangyari ay malalampasan natin ito.
Above all, let’s pray. Stay positive, think happy and stay Happy Mommy.