Paano maging masaya sa panahon ng pandemya?
Likas sa ating Pinoy ang pagiging masayahin, palabiro. Kahit sa maliliit na bagay ay nagagawan ng joke. Makikita natin sa iba nating kababayan o maoobserbahan natin na ang iba ay wagas kung makatawa, hindi ba? Hindi halatang may pinagdadaanan..
Noong mga nakaraang taon bago pa magpandemya kasama tayo o napabilang tayo sa World’s Happiest People.. Ano ba ang happiness? sa philosophy, it is a state of mind, it’s a choice habang sa psychology ito ‘yung simpleng nararamdaman on a positive mood.
Pero paano maging masaya sa panahon ng pandemya? Ito ang ating inalam natin kay Happiness GuRu, Jimmy Belleza. Ito ang kaniyang binanggit sa atin …
Pananampalataya. Likas sa ating mga pinoy ang pagiging religious. Dahil ito ang nakagisnan lagi tayong nananalig ano man ang mga pagdaanan sa buhay, nagsisilbi itong matibay na pundasyon upang hindi mawalan ng pag-asa at sa Diyos magtiwala.
Pamilya. Masayahin ang Pinoy dahil sa pamilyang ating kinamulatan. Dito nahuhubog ang pagkatao ng bawat indibidwal. Malaking aspeto ng pagkatao ng Pinoy ang pagmamahal na kanyang tinatanggap sa loob ng pamilya. Kung kayat nasasalamin ito kung paano natin nakikitang magbonding ang pamilya.
Friendly. Pagmarami kaibigan maramaing tayong suporta nakukuha. Malaking tulong ito upang maging masaya ang pinoy. Katulad na lang community pantry sa panahon ng pandemya.
Food. simbolo din ng pagiging masayahin, dahil mahilig tayo magcelebrate. Kapag tayo din ay nalulukungkot ang pagkain ang nagiging stress relief.
Tested na tayong mga pinoy, may karakter na pagiging resilient natin. Katulad niya na nakaranas ng matinding pagsubok sa gitna ng pandemya, naranasan niya ang mawalan ng mahal sa buhay, nawalan ng pangkabuhayan.
Sa ganitong sitwasyon nais niya iparating na patuloy tayong lumaban sa hamon ng buhay. Palaging manalig sa Diyos na hindi tayo pababayaan…