Paano mahikayat ang mga bata na mag-aral na mabuti?
Sa katatapos na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, VIetnam, Nakita natin ang ipinamalas na husay ng mga atletang Pinoy, naging pang-apat sa overall ranking. Congratulations !
Samantala, alam ba ninyo na nitong nakaraang buwan lamang ay may napanalunan din tayo? Winner din tayo sa isang International Quizfest sa Australia.
Patalasan naman ng memorya ang peg .
Ayon kay Mr. Leo Gapol, isa sa member ng Team Philippines.
Ang nasabing quizfest, ang Quiz Nations Asia-Pacific (QNAP), isang online quiz competition ay inorganisa ng Quizzing Australia.
Nag- invite ng players mula sa Asia-Pacific Region at dito nga co-champions ang team Pilipinas.
Ang nasabing event ay dalawang buwan na pinaghandaan ng koponan at nasa walong paksa o topic ang kanilang pinag-aralan na binubuio ng highbrow ( academic) to lowbrow (popular culture).
Samantala, ibinahagi ni Sir Gapol na kung natatandaan ninyo ay nagchampion ng Battle of the Brains kung paano i-motivate ang mga bata sa pag-aaral.
Sabi niya maraming ways para ma-motivate ang mga estudyante.
Dapat creative, mainam na may reward system, mahalaga ito para maengganyo ang bata at may open communication sa pagitan ng mag-aaral at teacher.
Sa magulang naman mahalaga ang efficient schedule, dapat matutukan ang mga bata, pilitin na magkaroon ng oras para dito.
Maglaan ng schedule para sa paggamit ng mga gadget/tv.
Mahalaga magset ng goals para sa mga bata.
Kailangan na pag-ibayuhin ng magulang ang talento ng mga bata at tuklasin ang strength at weaknesses.
At kapag nalaman ang kahinaan at lakas , importante na na madevelop , mahalaga na may balancing act , sabi nga ni Sir Leo.
Binanggit din ni Sir Leo . bilang isang educator na malaki ang maitutulong kung magkakaron ng improvement ang ating educational system gaya ng pagkakaroon ng karagdagang Science Public Schools para maging rigid ang drills at training.
Mainam din aniya na palawakin ang feeding program sa public schools gaya noon na may nutribun at gatas na ibinibigay sa mga mag-aaral, dahil paano pakikinabangan ang isang estudyante kung kumakalam ang sikmura o gutom?
At palakasin pa ang continuous training ng mga guro.
At kahit ang scholarship for master’s degree.
Sana ay makatulong ito sa lahat ng mga bumabasa ngayon at gusto nating magpasalamat kay Mr. Leo Gapol sa pagpapaunlak ng interview.