Paano nag-level up ang danggit sa isla ng Guinaygayan?

logo

Pagdadanggit ang ikinabubuhay ng ating mga kababayan sa Guinaygayan sa isla ng Patnanungan, Munisipalidad ng Quezon.

Nito lamang nakalipas na Mayo ngayong taon ay binisita ng Department of Science and Technology o DOST – CALABARZON ang naturang lugar upang pormal na ipagkaloob ang solar power system at two-door dryer sa Guinaygayan Association of Dried Fish Processors o GADFP.

Ayon kay Mr. Eugene R. Luces, Municipal Agriculture Officer ng Patnanungan,ang GADFP ay naitatag noong 2018 sa tulong at pag-gabay ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultura (Office of the Municipal Agriculturist o OMA.

Binubuo ito ng 21 kababaihan at tatlong kalalakihan na bihasa sa pagpoproseso ng isda o pagdadaing.

Ito ay bahagi ng programa ng DOST na tinawag na Enhanced Community Empowerment thru Science and Technology o E-CEST Program sa ilalim ng Livelihood/Economic Enterprise Development Component.

(Makikita sa larawan ang mga dinaing na isda gamit ang two-door dryer (nasa likod) na pinapatakbo ng solar power system na ipinagkaloob ng DOST-CALABARZON sa Guinaygayan Association of Dried Fish Processors)

Sinabi ni Luces na malaking tulong sa mga taga Guinaygayan ang ibinigay na kagamitan ng DOST-CALABARZON para sa ikauunlad ng kanilang buhay at pamumuhay sa pamamagitan ng pagdadaing o pagdadanggit.

Binanggit ni Luces na labis ang katuwaan ng mga kababayan natin doon dahil nag-level up ang kanilang daing.

Napabibilis aniya ang kanilang pagdadaing na nagdudulot ng maraming produksyon kumpara sa mano-mano lang na dati nilang ginagawa.

Dahil nag-level up ang kanilang daing, mas lalo itong naging masarap na ipang-ulam sa sinangag lalo na kapag may kamatis o suka na hihigupan ng mainit na kapeng barako o tsaa.

Please follow and like us: