Pabahay para sa mga biktima ng kalamidad,itatayo
Imumungkahi ni Department of Social Welfare and Development o DSWD Secretary Rolando Bautista ang housing project dahil laging ang mga mahihirap na Pinoy na nasa lalawigan ang biktima ng kalamidad.
Ang pahayag ay ginawa ni Bautista nang bisitahin nito ang Baybay, Leyte na isa sa pinakamatinding hinagupit bagyong Agaton.
Personal na namahagi ng relief goods ang kalihim sa mga pansamantalang silungan ng mga nagsilikas dahil sa pagguho.
Magugunitang, ipinaliwanag ni NDRRMC Spokesman Mark Timbal na ang sunod-sunod na araw na pag-ulan ang sanhi ng paglambot ng mga lupa sa Baybay at nang magkaroon ng bagyo ay bumigay kaya naitala ang pagguho na tumabon sa maraming kabahayan sa lugar.