Pabor ba kayo na alisin na ang licensure exam?

Magandang araw mga ka-Isyu! Isa sa pinakamainit na isyu ngayon ay ang panukala ni Labor Secretary Silvestre Bello III, alisin na ang Bar examination, Board exam, lahat ng licensure examinations.

Ayon sa kalihim, ang kurso sa kolehiyo o unibersidad man ay accredited ng Commission on Higher Education, nangangahulugan aniya na competent ang mga paaralan para magproduce ng isang accountant, nurse, engineer, architect, abogado at duktor.

Ang mga kursong nabanggit ayon kay Bello, bago ka maka-graduate ay katakut-takot na exam ang dinadaanan bilang preparasyon.

Mula first year hanggang fourth o fifth year, walang promotion o promoted kapag bumagsak sa mga pagsusulit. Kaya nga kapag nagtapos o naka graduate ay may sapat ng kaalaman sa kursong pinili.

Bakit ba may board o licensure exam? Ang sabi ng ilan, ito ang ibinibigay na exam batay sa lahat ng pinag-aralan o summative test. Kapag naipasa ang certain percentage o 75 percent, mabibigyan ng lisensiya.

Ang punto ni Secretary Bello, nakatapos ka na ng kurso, halimbawa, nursing o engineering at binigyan ng confirmation of degree, tapos nag OJT pa. Kaya ano pa ang kailangan?

Kung kayo mga ka-isyu ang tatanungin sa panukalang ito, ano ang masasabi n’yo?

Dagdag pa ni Bello, ginastusan ng mga magulang hanggang makapagtapos, pero dahil sa board exam na hindi naipasa, ano na?

Subalit mga ka-isyu, kung pinag-aralan lahat ang ibinigay sa board exam, bakit hindi nakapasa?

Kaya nga, tingnan ang both sides of the coin. Ang licensure exam ba ay para sukatin ang competency level kung karapat-dapat na maging inhinyero, o abugado, o duktor?

Isipin din natin kung walang licensure exam baka kapag nagtayo ng building ay tabingi.
Kung wala ng Bar exam baka mauwi sa pamimilosopo ( Pilosopong Tasyo) .

Magandang pag-usapan ang panukalang ito ni Secretary Bello, pabor ba kayo na alisin na ang licensure exam?

End

Please follow and like us: