PACC, sisimulan na ang imbestigasyon sa Bucor kaugnay sa isyu ng GCTA
Sisimulan na ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang imbestigasyon sa mga Bureau of Corrections (Bucor) kaugnay sa isyu ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Sa panayam ng programang Eagle in Action kay Commissioner Greco Belgica, bagamat abala sa ngayon ang mga kawani ng Bucor dahil sa kaliwa’t-kanang imbestigasyon, maaari na silang magpa-subpoena ng mga dokumento sa mga pinalayang bilanggo, kasama ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng GCTA at ano ang kanilang mga ginamit na criteria sa pagpapalaya.
Pag-aaralan aniya nila ang GCTA law at kapag natuklasan aniya nilang may paglabag o pagkakamali at kapabayaan ay may haharapin silang kaparusahan.
Titingnan din aniya anila ang aspeto ng korapsyon na hindi malayong nangyayari rin sa Bucor.
“Yun ang debate kasi ngayon…is heinous crime is exempted or not. So we evaluate the process and appreciate for ourselves what the law really mean”.