Pacific Islands magtatayo ng climate disaster warehouses
(Reuters) – Inihayag ng Australia at New Zealand na magbibigay sila ng A$42.6 million ($28.05 million) para sa mga bansa sa Pacific Island, para sa humanitarian aid sa rehiyon upang paghandaan ang dumaraming climate disasters.
Dumaranas ang Pacific Islands region ng maituturing na “worsening cyclones,” habang ang tinatawag na “Pacific Ring of Fire” ay seismically active, na nagiging sanhi ng mga paglindol na nagdudulot ng mga tsunami. Kasama na rin dito ang pagputok ng Hunga Tonga-Ha’apai noong 2022.
Maraming mga bansa sa Pacific Island ang liblib, walang maayos na transport links at umaasa lamang sa mga ayudang dumarating galing sa Australian, New Zealand, U.S. at Chinese defence forces pagkatapos ng mga sakuna.
Ayon sa pahayag ng Australia at New Zealand, ang paglalagay ng humanitarian supplies sa mga warehouse sa 14 na mga bansa, ay magbibigay ng pagkakataon sa Pacific Islands na rumesponde sa unang 48 oras pagkatapos ng isang emergency upang makapagligtas ng buhay.
Ang Timor Leste ay sakop din ng programa.
Ayon sa Minister of Foreign Affairs ng Australia na si Penny Wong, “We would ensure there is easily accessible support and supplies on the ground for communities when disaster strikes.’
Ngayong Biyernes ay magpupulong ang foreign ministers mula sa Pacific Islands region sa Suva, Fiji, bago ang taunang Pacific Islands Forum leaders meeting ngayong buwan na gaganapin sa Tonga.