Padyak to the new normal program umarangkada na sa Meycauayan City
Limampu’t apat na Meycaueños na pawang low-wage employee, ang napagkalooban ng mga bisikleta sa ilalim ng “Padyak to the new normal” program, upang magamit nila sa kanilang pagpasok sa trabaho sa lungsod ng Meycauayan sa Bulacan.
Ang programa sa pamamahagi ng bisikleta na hinati sa tatlong batch ay pangangasiwaan ng city cooperative office upang masunod ang umiiral na MECQ protocol.
Ipinagpasalamat naman ito ng mga nakinabang sa programa dahil malaki ang maitutulongsa kanila ng bigay na bisikleta, dahil hindi na nila kailangang maglakad o mamasahe pa papasok sa trabaho.
Samantala, laging bukas ang tanggapan ng city public employment service office sa pangunguna ni Josefina Geslani, department head at barangay training employment coordinators o BTEC head Grace Buntan para sa mga Meycaueños, kaugnay ng programa at proyekto ng pamahalaang lungsod upang makapaghatid pa sila ng tulong.
Ulat ni Gerald Dela Merced