“Paeng” muling lumakas at naging severe tropical storm, 14 na lugar nasa ilalim ng Signal No. 1
Muling lumakas at naging severe tropical storm si Paeng habang patuloy na tumatawid sa West Philippine Sea.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, resulta nito, nananatiling nasa Signal No. 1 ang ilang bahagi ng Luzon.
Ito ay ang mga sumusunod:
Timugang bahagi ng Ilocos Norte (Badoc, Pinili, Banna, Nueva Era, City of Batac, Paoay, Marcos, Currimao, Dingras, Solsona, Sarrat, San Nicolas, Laoag City, Piddig)
- Ilocos Sur
- La Union
- Pangasinan
- kanluran at gitnang bahagi ng Pampanga (Mexico, Porac, Angeles City, Santa Rita, Santa Ana, Guagua, Sasmuan, Mabalacat City, Arayat, Santo Tomas, Minalin, San Fernando City, Bacolor, Floridablanca, Magalang, Lubao)
- Abra
- Benguet
- kanlurang bahagi ng Mountain Province (Besao, Tadian, Bauko, Sabangan, Sagada)
- kanlurang bahagi ng Ifugao (Tinoc, Hungduan)
- Tarlac
- kanlurang bahagi ng Nueva Vizcaya (Santa Fe, Kayapa)
- kanlurang bahagi ng Nueva Ecija (Cuyapo, Talugtug, Nampicuan, Guimba, Licab, Quezon, Zaragoza, San Antonio, Cabiao)
- Zambales
- gitna at timugang bahagi ng Bataan (Orani, Abucay, Hermosa, Samal, Morong, Dinalupihan, Bagac, Balanga City, Pilar)
Sa ngayon, si “Paeng” ay nasa 375 kilometro kanluran ng Dagupan City, Pangasinan, taglay ang lakas ng hangin na 95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometro bawat oras.
Katamtaman hanggang malakas na mga pag-ulan ang posibleng maranasan sa Batanes, Zambales, at Bataan ngayong hapon.
Sinabi ng PAGASA, na mahina hanggang katamtaman at minsan ay malaks na mga pag-ulan ang malamang na maranasan din sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cavite, Batangas, Laguna,timugang bahagi ng Quezon, Western Visayas, Babuyan Islands, MIMAROPA, st nalalabing bahagi ng Central Luzon.
Sa ilalim ng impluwensya ng pag-alon sa hilagang-silangan at ni “Paeng,” namamalagi ang pag-iral ng marine gale warning sa karamihan ng mga tabing dagat ng Luzon.
Si “Paeng” ay maaari ring magdala ng katamtaman hanggang sa maalong karagatan sa kanlurang tabing dagat ng Visayas.
Ayon sa PAGASA, si “Paeng” ay tinatayang lalabas sa Philippine Area of Responsibility ngayong hapon o mamayang gabi.