Pag-aalis ng expiration date sa prepaid cards, isinulong sa kamara

 

castelo-w

Dahil sa dami ng reklamo mula sa subscribers– isinusulong ngayon ng isang kongresista na alisin na ang expiration date sa prepaid call and text cards.

Sa ilalim ng Prepaid Load Protection Act na inihain ni Quezon City Rep. Winston Castelo, pinagbabawalan na ang telecommunication companies na maglagay ng expiration dates sa kanilang prepaid cards.

Pinagbabawal din sa panukala ang pagpapawalang bisa ng load credits na hindi agad nagamit ng subscribers sa itinakdang petsang nakalagay sa prepaid card.

Ayon kay Castelo maraming pinoy ang gumagamit ng prepaid call and text card dahil sa pagiging convenient.

Pero marami sa mga prepaid card ay may expiry date at ang natitira o hindi nagamit na load  credits ay hindi na nila maaaring magamit dahil nawawala na ito.

Dismayado rin  ang kongresista na ang National Telecommunications Commission, na dapat sanay mag-regulate sa Telcos at magbibigay proteksyon sa mga consumer ay mayroon aniyang polisiya na sumusuporta sa ganitong practice ng mga Telco.

Ang tinutukoy ni Castelo ay ang NTC Memorandum Circular kung saan pinapayagan ang pagkakaroon ng period of validity ng mga load card depende sa rate o halaga ng load.

Ulat ni: Madelyn Villar-Moratillo

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *