Pag-aangkat ng 150,000 MT na asukal, napagkasunduan sa pulong nina PBBM, mga kinatawan ng magsasaka at sugar stakeholders
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kinatawan ng mga magsasaka at stakeholders ng asukal sa Malakanyang.
Kasama sa pulong si Senate President Juan Miguel Zubiri, Vice-Governor Jeffrey Ferrer ng Negros Occidenta,l negosyanteng si Lance Gokongwei, sugar workers, millers at refiners.
Ayon kay Zubiri, natalakay sa pulong na tumagal ng 2 oras ang pagpapalakas sa produksyon
ng lokal na asukal at pag-aangkat ng asukal.
Kinumpirma ni Zubiri na napagkasunduan sa pulong na mag-aangkat ng 150,000 metric tons ng asukal.
Direkta itong mapupunta sa industrial at household consumers.
Batay kasi aniya sa demand, kailangang mag-import ng 150, 000 MT ng asukal na kalahati lang ng naunang plano sanang angkatin ng Sugar Regulatory Administration (SRA).
Nagpasalamat naman aniya sila sa Pangulo sa hindi pagpapahintulot ng sobra-sobrang importasyon ng asusal na makaaapekto sa may 5 milyong magsasaka, trabahador at iba pang nasa sugar industry.
Inilatag rin aniya ng mga nasa industriya ng asukal ang mga posibleng short-term at long-term solution kasama na ang hakbang para maibaba ang presyo nito sa merkado.
Pero ipauubaya na nila sa Pangulo ang pag-aanunsyo hinggil dito.
Meanne Corvera