Pag-aangkat ng galunggong pinaiimbestigahan na rin sa Senado
Pinaiimbestigahan na ni Senador Imee Mrcos sa Senate committee on agriculture ang planong pag-aangkat ng isda tulad ng galunggong ng gobyerno.
Naghain ng resolusyon si Marcos para ipatawag ang mga opisyal ng Department of Agriculture at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Fisheries Inspection and Quarantine Division para alamin ang batayan ng importation.
Tutol si Marcos sa hirit ng D-A na mag-import ng galunggong, sardinas at mackerel dahil umano sa kakulangan ng suplay dahil sa epekto ng Bagyong Odettee at habang umiiral ang taunang fishing ban na matatapos ngayong Pebrero.
Giit ni Marcos , papatayin nito ang kabuhayan ng mga lokal na mangingisda.
Niloloko lang umano ng D-A ang publiko dahil batay sa datos nitong January 12 lumitaw na aabot pa lang sa 14,349 metric tons ang nabentang isda sa merkado mula sa 60,000 metric tons na inangkat ng may 25 importers na binigyan ng permit ng gobyerno.
Meanne Corvera