Pag-aangkin ng Israel tungkol sa isang ospital sa Gaza, itinanggi ng Indonesia
Itinanggi ng Indonesia ang pag-aangkin ng Israel na ang isang ospital na itinayo sa Gaza at pinondohan ng Indonesia, ay nasa ibabaw ng isang network ng Hamas tunnels at malapit ito sa isang launchpad para sa rocket attacks.
Ang ospital na nasa hilaga ng Gaza Strip malapit sa fortified border sa Israel, ay itinayo gamit ang Indonesian charity funds.
Sinabi ng foreign ministry ng Indonesia, “The Indonesian Hospital in Gaza is a facility built by the Indonesian people entirely for humanitarian purposes and to serve the medical needs of the Palestinian people in Gaza.”
Ang pahayag ay ginawa isang araw matapos sabihin ni Israeli military spokesman Daniel Hagari, na ang Indonesian Hospital ay itinayo sa isang lugar na nasa ibabaw ng isang network ng Hamas tunnels.
Sinabi rin nito na ginagamit ng Hamas ang kalapit na lugar bilang base sa paglulunsad ng rockets sa Israel.
Sa isang video statement na ipinost ng Israel Defense Forces (IDF) sa YouTube ay sinabi ni Hagari, “I will show you the reason why they built the hospital there. Unsurprisingly, Hamas built the hospital on top of their terror infrastructures. Here, the IDF identified a launch pad, meaning they launch rockets from here,” at itinuro ang aniya’y photographic evidence ng kaniyang ibinunyag.
Pinabulaanan ni Indonesian foreign ministry spokesperson Lalu Muhamad Iqbal ang mga pahayag tungkol sa ospital, na, tulad ng ibang medical centers sa Gaza na nasalanta ng digmaan, ay kasalukuyang gumagamot ng mga pasyente nang lampas na sa kakayahan nito.
Itinanggi rin ng MER-C, ang Indonesian charity na siyang nagpapatakbo sa ospital na ang pasilidad ay ginagamit ng Hamas.
Una nang sinabi ni MER-C chief Sarbini Abdul Murad, “What Israel accused us of can be a precondition for them to launch an attack at the Indonesian hospital in Gaza. The IDF’s accusation is a precondition to justify attacks against us, therefore we need to debunk it.”
Paulit-ulit na ring itinanggi ng Hamas ang akusasyon ng Israel na ang mga ospital at iba pang civilian infrastructure ay ginagamit ng kanilang mga operatiba.