Pag-ako ng ISIS sa Jolo bombing, isa lamang propaganda – AFP

Premature pa para sabihing ang Islamic State of Iraq and Syria  (ISIS) ang tunay na responsable sa pagpapasabog sa simbahang Katoliko sa Jolo, Sulu.

Ito ay sa kabila na inako na umano ng teroristang grupo ang madugong pagsabog.

Ayon kay Brig. General Edugard Arevalo, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon at ang Abu Sayyaf group ang itinuturing nilang pangunahing suspek sa madugong insidente.

Paliwanag ni Arevalo, ugali na ng ISIS na umako sa mga insidente ng pagpapasabog gaya ng pag-ako nila maging sa naging sunog sa Resorts World na natuklasang kagagawan ng isang taong wala sa matinong pag-iisip.

Para sa militar, ang pag-amin ng ISIS group ay isa lamang propaganda.

Isa sa posible aniyang kadahilanan ng pagpapasabog ay paghihiganti ng Ajang-Ajang faction na isa mga umano’y affiliate group ng Abu Sayyaf.

AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo:

This is plain propaganda but still we are not discounting any other posibilities apart from that na bandidong ASG ang may kagagawan nito. Kaya nga sinasabi natin na ang isa sa mga kadahilanan kung bakit ginawa nila nito ay ang paghihiganti nila dahil itong Ajang-Ajang group ay napatay ng AFP ang kanilang lider noong nagdaang taon”.

================

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *