Pag-amin ng militar na na-underestimate ang Maute group pag amin ng katapangan ayon sa mga Senador

Hindi maitururing na kapalpakan ang pag amin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na minaliit o na under estimate nila ang pwersa ng Maute group at mga supporter nito sa Marawi City.

Ayon kay Senador Francis Escudero, isa pa nga itong magandang senyales ng pagpapakumbaba ng gobyerno para aminin ang kanilang pagkukulang o pagkakamali.

Ang ganitong proseso aniya ang kinakailangan para humanap ng solusyon gobyerno para maresolba ang krisis sa Marawi.

Pero hindi aniya dapat madaliin ng militar ang pagsugpo sa mga terorista para hindi maisakripisyo ang mas maraming buhay ng mga sibilyan at tropa ng pamahalaan.

Maging si Senate Committee on National Defense and Security Chairman Sen. Gringo Honasan nagsabing hindi talaga tama na magtakda ng mga hindi naman reyalistikong deadline.

Marami aniyang factor sa Marawi crisis na  hindi kontrolado ng mga sundalo at pulis.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *