Pag-amyenda sa 1987 constitution, ipinanawagan ni Pangulong Duterte sa mananalong Presidente
Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mananalong bagong Presidente ng bansa na amyendahan na ang 1987 constitution.
Sa kanyang regular weekly Talk to the People,sinabi ng Pangulo na sana pagtuunan ng pansin ng bagong Pangulo ang pagpapatawag ng Constitutional Convention para mabago ang kasalukuyang Saligang Batas.
Ayon sa Pangulo, isa sa balakid sa pag-amyenda sa konstitusyon ay ang isyu na may kinalaman sa term limits ng Presidente.
Inihayag ng Pangulo ang dapat na alisin sa probisyon ng konstitusyon ay ang ukol sa partylist system kung saan nagagamit ito ng mga makakaliwang grupo para labanan ang pamahalaan gamit mismo ang pondo ng gobyerno.
Vic Somintac