Pag amyenda sa economic provisions pinaboran ng ilang eksperto
Pabor si dating Supreme Court Associate Justice Adolf Azcuna na miyembro ng Constitutional Commission na bumuo ng 1987 Constitution na baguhin na ang aniya’y restrictive economic provisions.
Kung siya ang tatanungin dapat limang taon lang ang itatagal ng Economic provisions para umakma ito sa pabago bagong lagay at takbo ng ekonomiya.
Tama aniya ang mga mambabatas na ikunsidera itong solusyon para makarekober ang Pilipinas sa epekto ng pandemya.
Sinabi pa ni Azcuna , ang amendments sa ekonomiya ay katulad ng pagsali ng bansa sa Asean integration.
Pero babala nya dapat tiyaking limitado lamang sa ekonomiya ang gagawing probisyon at hindi dapat alisin ang mga probisyon na po-protekta sa karapatan ng mga Pilipino.
Meanne Corvera