Pag-amyenda sa SK Reform Law, pinag-aaralan ni Senador JV Ejercito

Pinag-aaralan ni Senador JV Ejercito na muling paamyandahan ang SK Reform law.

Sa harap ito ng ulat na kakaunti ang mga kabataang lumahok at naghain ng kanilang Certificate of Candidacy para sa Barangay at SK elections sa susunod na linggo.

Ito’y kahit pa itinaas na ang threshold o edad ng mga kabataang maaring tumakbo sa SK elections.

Nangangamba si Ejercito na sinadya ng ilan na huwag kumandidato sa SK  dahil sa probisyon ng Anti-Political dynasty.

Sakaling wala kasing kandidato sa isang lalawigan o barangay, maaaring mag-appoint na lamang ng kinatawan ang Local government officials.

Senador JV:

“Well yan ang malungkot, we just have to leave sa ngayon ang mag step up dyan local government magkakaroon sila ng youth office pero hindi sila elected nag-appoint na lang ang mayor ng youth representative walang official plantilla ho yun”.

Sabi ni Ejercito, kung i-aappoint ang sk officials, hindi magiging  aplikable ang batas sa anti-poltical dynasty dahil hindi naman elected ang maitatalagang SK officials.

Sa ilalim aniya ng ng SK reform law, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtakbo ng isang kandidato na may kamag-anak na sa gobyerno hanggang sa second degree of consanguinity.

Sakop nito ang magulang asawa o anak ng isang kandidato.

“Yun ang magiging dilemma sa mga areas na walang kumandidatong SK officials, baka mamaya magkaroon ng appointee na mga kamag-anak sana hwaug maliwanag naman will be applied”.

Kung talaga aniyang ganito pa rin ang magiging sistema, isusulong ng Senador ang tuluyang pag abolish sa SK elections.

Bagamat nakakalungkot aniya ang ganitong sistema dahil ang mga kabataan ang itinuturing na pag-as ang bayan, wala silang magagawa kundi ipabuwag dahil nagagamit na rin ang SK sa mga katiwalian.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *