Pag-apruba sa P150 wage hike, makaka-epekto sa ekonomiya-Sen. Estrada
Nagbabala si Senador Jinggoy Estrada na posibleng bumagsak ang ekonomiya ng bansa sakaling aprubahan ang hinihinging P150 across-the-board wage increase.
Ayon sa senador, hindi kakayanin ng mga mga micro small and medium enterprises (MSMEs) na agarang ibigay ang karagdagang P150 daily wage hike.
Dalawang panukala para sa wage increase ang naka-pending sa Senado.
Sinabi ni Estrada na kailangang pag-aralang mabuti ang panukala at konsultahin muna ang maliliit na negosyo na tatamaan sakaling aprubahan ang panukala.
Pero pabor ang mambabatas na ipatupad ang wage increase sa malalaking kumpanya at mga korporasyon.
Bukas, May 10, itinakda na ng Senado ang pagtalakay sa mga panukalang umento sa sahod.
Meanne Corvera