Pag-atake sa oil facility ng Saudi Arabia, pinangangambahang magdulot ng epekto sa sektor mg transportasyon at enerhiya
Nagbabala na si Senador Sherwin Gatchalian na magdudulot ng malaking pinsala sa sektor ng transportasyon at enerhiya ang nangyaring drone strike sa oil facility ng Saudi Arabia.
Ayon kay Gatchalian, ang Saudi Arabia ang top supplier ng krudo ng Pilipinas at dito rin umaangkat ng 33.7% na langis mula 2018.
Asahan na ayon sa Senador ang paglobo ng presyo ng langis na may direktang epekto lalo na sa mga mahihirap bunga ng pag-atake.
Dahil sa insidente iginiit ng Senador ang paghahanap ng iba pang mapagkukunan ng suplay ng langis maliban sa Saudi Arabia.
Kung magiging malawak ang oil supplier portfolio ng bansa, hindi gaanong mararamdaman ng mga konsyumer ang pagbagsak o pagtaas ng presyo ng langis sa merkado.
Ulat ni Meanne Corvera