Pag-downgrade ng DOJ at PNP sa kaso ni Police Supt. Marvin Marcos hindi palalampasin ng Senado
Hindi palalampasin ng Senado ang ginawang pag-downgrade ng Dept. of Justice at Philippine National Police sa kaso ni Police Supt. Marvin Marcos.
Katunayan, nagbanta si Senate President Aquilino Pimentel na padadaanin nila sa butas ng karayom ang budget ng DOJ at PNP para sa susunod na taon.
Iginiit ni Pimentel na malinaw na murder ang posisyon ng Senado sa pagkakapaslang kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa kaya nakapagtataka na ibinaba ng DOJ sa homicide ang kaso.
Kinastigo rin ni Pimentel ang PNP sa ginamit na batayan sa pagrerekomenda sa Pangulo na maibalik sa pwesto si Marcos at bakit walang nangyayari sa mga imbestigasyon sa mga kaso ng pagpatay.
Kasabay nito, Iginiit ni Senador Panfilo Lacson sa National Police Commission na pag aralan ang patakaran sa pagdisiplina sa mga abusadong pulis.
Malaki kasi aniya ang epekto ng kaso ni Marcos sa problema sa peace and order dahil maari itong gamiting batayan ng mga abusadong pulis para ibalik sila sa serbisyo.
Ulat ni: Mean Corvera