Pag-hold kay dating Foreign Affairs secretary Albert del Rosario sa Hongkong, posibleng may kinalaman din sa kasong isinampa laban kay Xi Jinping
Naniniwala si Senador Panfilo Lacson na konektado pa rin sa isinampang kaso ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario laban kay Chinese President Xi Jinping ang ginawang pagharang sa kanya sa airport sa Hongkong.
Si Del Rosario ay hinarang at kinuwestyon kanina ng mga otoridad pagpasok ng Hongkong International airport.
Sinabi ni Lacson na karapatan ng gobyerno ng Hongkong na harangin si Del Rosario gaya ng ginawang pagpigil at pagkuwestyon sa pagpasok ni dating Ombudsman Conchita Carpio Morales sa Hongkong noong nakaraang buwan.
Ang pag-iisyu rin aniya ng visa ay hindi karapatan ng isang turista kundi nasa kapangyarihan ng isang bansa.
Gayunman kung ikukulong ang sinumang dayuhan gaya ni Del Rosario, dito lang maaring pumasok ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng legal assistance.
Kailangan kasing matiyak na magkakaroon ng due process at igagalang ng sinumang bansa ang karapatan ng isang. dayuhan.
Ulat ni Meanne Corvera