Pag-iiba ng mga pahayag ng ilang opisyal ng pamahalaan at mga mangingisda sa insidente sa Recto Bank, hindi makakaapekto sa imbestigasyon ng PCG at Marina
Halos patapos na ang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard at Marina kaugnay sa insidente sa Recto Bank.
Ayon kay PCG Spokesperson Capt. Armand Balilo, tapos na ang PCG at Marina sa pagkuha ng mga statement sa mga mangingisdang Pinoy na sakay ng F/B Gem-Ver Uno.
Sinabi ni Balilo na nailahad na ng mga mangingisda ang kanilang mga nalalaman at karanasan nila.
Hindi naman anya makakaapekto sa imbestigasyon ng PCG at Marina ang pag-iiba ng pahayag ng ilang opisyal ng pamahalaan at mga mangingisda kaugnay sa insidente.
Tiniyak ni Balilo na patas ang imbestigasyon nila na layon malaman lang ang katotohanan.
Una rito ay lumambot si Defense Secretary Delfin Lorenzana at sinabing aksidente ang nangyari sa Recto Bank habang ang kapitan ng bangka ay hindi na tiyak kung sinadya o aksidente ang pagbangga sa kanila ng Chinese vessel.
Ulat ni Moira Encina