Pag-iimprenta ng mga balota sa Brgy at SK elections tapos na
Natapos na ang pagiimprenta ng mga balotang gagamitin para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa darating na oktubre a bente tres.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, ala-sais ng gabi noong September 30 natapos ng National Printing Office ang pag-iimprenta sa mga kakailanganing balota.
kabuuang 43,741,986 ang mga naimprentang balota para sa barangay elections habang 15,836,360 ang naimprentang balota para naman sa SK Elections.
Ang nasabing bilang ng mga balota ay para lamang sa halalan sa Luzon at Visayas dahil una nang nagpasya ang comelec en banc na ipagpaliban ang botohan sa Mindanao.
Patuloy naman ang preparasyon ng Comelec sa Brgy at SK elections hanggang hindi nalalagdaan ni Pangulong Duterte ang panukalang batas na ipinasa ng Kongreso para sa ipagpaliban ito sa susunod na taon.
Ulat ni Moira Encina