Pag-import ng mga Agricultural products, Ipinatitigil
Ipinatitigil ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa Department of Agriculture ang pag-aangkat ng imported na Agricultural products.
Kasunod ito ng plano ng Sugar Regulatory Administration na umangkat ng asukal dahil sa pagtaas ng presyo nito sa merkado.
Ayon sa Senador unti-unti nang pinapatay ng DA ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka dahil sa importasyon.
Hindi aniya solusyon na itaas umangkat tuwing tataas ang presyo.
Tinukoy nito ang ginawang pag- aangkat ng bigas, mais, manok, baboy, galunggong at ngayo’y asukal.
Sa halip na mag-angkat ang pondo dapat itulong sa mga hinihinging fertilizer ng sugar farmers dahil sa mataas na presyo nito at ayuda para makapagdala ng produkto sa Metro manila.
Sinabi ng Senador nakatanggap siya ng reklamo na mula sa magsasaka na mula sa dating 800 pesos pumalo ngayon sa 2,400 ang urea fertilizer habang patuloy rin ang pagsirit ng presyo ng gasolina.
Meanne Corvera