Pag-inom ng alak sa pampublikong lugar sa Santa Rosa City, Laguna ipinagbawal habang nasa State of Calamity ang bansa dahil sa Covid-19

Bawal ang pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar sa Santa Rosa city, Laguna habang nasa ilalim ng National Health Emergency o State of Calamity ang bansa dahil sa Covid-19.

Sa ilalim ng ordinansa na ipinasa ng lokal na pamahalaan, sinabi na ipinagbabawal ang pag-inom ng anumang uri ng nakalalasing na inumin sa lunsod sa panahon ng Public Health emergency.

Pinapayagan lamang ang personal consumption o kaya ay social drinking  sa loob ng tahanan pero dapat ay nasusunod ang physical distancing at iba pang precautionary measures laban sa Covid.

Ang mga mahuhuling lalabag ay papatawan ng multang 500 pesos sa unang paglabag; 1,000 piso sa ikalawa; at 1,500 pesos sa third offense.

Nilinaw sa ordinansa ang ipinagbabawal lang ang paginom ng alak pero pinapayagan ang pagbebenta ng mga alcoholic beverages.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: