Pag-inom ng pain killer, dapat na iwasan dahil magiging sanhi ng malalang pinsala sa kidney ayon sa mga eksperto
Batay sa ginawang pananaliksik ng mga eksperto sa mga gamot na nakalulunas umano ng kirot o sakit na nararamdaman sa katawan, o tinatawag na pain killer, magiging sanhi ito ng malalang sakit sa bato o kidney.
Malaki ang tyansa ng mga atleta na mapinsala ang kanilang bato dahil sila ang madalas na uminom ng isang uri ng pain killer kapag sumasakit ang alinmang bahagi ng kanilang katawan bunga ng kanilang ginagawang sport.
Partikular na tinukoy sa pag aaral ang mga runner lalo na ang tinatawag na endurance athletes at distance runners.
Ayon sa pag aaral sa mga naturang atleta, umiinom sila ng uri ng pain killer bago at matapos ang karera o pagtakbo upang maiwasan ang pamamaga ng kanilang kasu-kasuan.
Payo ng mga eksperto, bago uminom ng anumang pain killer, komunsulta sa mga manggagamot at huwag gawing parang bitamina ang anumang uri ng pain killer.
Ulat ni: Anabelle Surara