Pag-iral ng sinasabing Culture of Impunity sa bansa, pinabubulaanan ng hatol na guilty laban sa mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian Delos Santos – DOJ
Naniniwala si Justice Secretary Menardo na ang conviction ng Korte laban sa mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian Delos Santos ay nagbabasura o nagpapabulaan sa sinasabing umiiral na “culture of impunity” sa giyera kontra droga ng pamahalaang Duterte.
Ayon sa kalihim, magsisilbi itong babala sa mga pulis at iba pang law enforcers na gawin ang kanilang trabaho ng naaayon sa batas.
Gayunman, sinabi ni Guevarra na hindi mapipigil ng hatol na guilty ng Caloocan RTC laban sa mga pulis ang pagpursige ng administrasyon sa kampanya nito laban sa iligal na droga.
Anya mas marami pa rin sa mga pulis ang sumusunod sa tamang panuntunan at batas sa pagganap ng kanilang tungkulin.
Tiniyak naman ni Guevarra na tuluy-tuloy lamang ang paggawad nila ng katarungan.
Ang DOJ ang nagsampa ng kaso sa Caloocan RTC laban sa tatlong pulis na nahatulang guilty sa kasong murder.
Ulat ni Moira Encina