Pag-iwas sa HFMD, malaki ang kinalaman ng hygiene

Noong isang araw ay nakakuwentuhan natin mga kapitbahay sa programa si Iloilo Representative Janette Garin ng Unang Distrito.

At bilang isang doktor, sumentro ang usapan namin sa naging kapansin-pansing pagtaas ng kaso ng hand, foot and mouth disease o HFMD sa Iloilo.

Ano nga ba ang HFMD? Ang sabi po ni Dr. Janette Garin, ito ay isang viral infection na nakalulungkot na marami ang hindi nakaaalam.

Ang awareness ng tao tungkol dito ay kulang.

Iba po ang foot and mouth disease ng mga hayop sa HFMD na tao ang dinadapuan.

Iba ang virus na umaatake sa animals at iba sa tao.

Ang kagandahan aniya sa HFMD kapag nagkaroon ng tamang hygiene and washing mababawasan o mapipigilan ang pagkalat nito.

Washing is very effective. Karaniwang nagkakaroon ng sintomas ang mga batang less than 10 years old.

Sabi pa ni Doc, iba ang dengue sa HFMD.

Sa HFMD, kailangan ay isolation dahil sa highly contagious ito o nakahahawa sa pamamagitan ng laway, secretions, poopoo at lesions.

Sa dengue naman kapag nagpositive dapat nasa ospital para sa kung anuman ang mangyari .

Ang HFMD ay hindi kailangang i-admit sa hospital kung tolerable, pero, dapat na ihiwalay para hindi kumalat ang virus.

Talagang may kaugnayan ang HFMD sa hygiene.

Paalala ni Doc sa mga may baby, naku mommy, kapag nagpoo-poo ang sanggol, tandaan na maling isipin na malinis naman ang poopoo kaya kahit punasan lang ang mga kamay o padaanan sa tubig ay okay na.

Mali po!

Ang dapat na gawin, matapos na magpoo-poo si baby ay hugasan ninyo ang mga kamay ng tubig at sabon.

Kahit after na gamitin ang banyo maghugas ng mga kamay with soap and water, lalo na kapag maghahanda tayo ng pagkain.

Ang iba ay alcohol ang ginagamit para hugasan ang kanilang mga kamay sa halip na tubig at sabon.

Pero, sabi ni Doc, 99 percent kasi ng viruses at bacteria ay kayang tanggalin ng sabon.

Isa pa, sa HFMD sa loob ng pito hanggang sampung araw ay kusang nawawala habang sa dengue ay dumadaan sa critical time na puwedeng ikamatay ng pasyente.

Sa HFMD, masakit man sa pakiramdam pero hindi nakamamatay habang ang dengue naman ay silent killer at common sa dalawang sakit, walang gamot.

Ang dengue ay may kinalaman sa pagiging hindi malinis ng kapaligiran, kaya dapat na maalis ang mga bagay na maaaring pamahayan ng lamok.

Sabi ni Doc, malimit na kumakagat ang lamok na may virus two hours after sunrise hanggang two hours before sunset.

Ano ang sintomas ng HFMD?

Lagnat, mouth sores, at skin rash.

Ang rashes ay makikita karaniwan sa mga kamay at paa.

Sadyang mahalaga ang awareness para maiwasan ang HFMD.


Paalala lang, ang HFMD ay puwedeng mangyari sa alinmang bahagi ng PIlipinas.

Until next week mga kapitbahay!

Image by mohamed_hassan from Pixabay
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *