Pag – phase out sa mga jeep sa Marso hindi na matutuloy – LTFRB

Iniurong na ng Department of Transportation o DOTr ang planong pag-phase out sa mga bulok na jeep sa Marso sa ilalim ng Jeepney modernization program.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services, umalma ang mga transport groups dahil libo-libong pamilya ang maaring mawalan ng hanapbuhay kapag tuluyang pinagbawalan ang mga lumang jeep na bumiyahe sa mga lansangan.

Katwiran ni Zeny Maranan ng Fejodap, hindi nila kakayanin ng mga drivers at operators ang napakamahal na jeep na aabot sa 1.8 million pesos.

Katunayan, hirap ang mga jeepney drivers na maabot kahit ang kanilang arawang boundary dahil bukod sa matinding traffic, napakmahal ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Inireklamo naman ni Efren De Luna ng PCDO-ACTO ang resolusyon ng LTFRB na nagbibigay ng prankisa sa bagong ruta para sa mga korporasyon na may kakayahang bumili ng mga mamahaling jeepney.

Pero pagtiyak ng LTFRB wala pa silang hawak na route rationalization plan.

Tatapusin raw nila ang limang taong tranisiton period bago tuluyang magdesisyon saa magiging kapalaran ng mga jeep.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *