Pag-rescue sa mga trabahador na na-trap sa gumuhong tunnel sa India nagpapatuloy
Naghahanda na ang Indian rescuers na humukay ng panibagong shaft upang makalabas ang 41 manggagawa na siyam na araw nang na-trap sa gumuhong tunnel na kanilang ginagawa, matapos mabigo ang mga naunang pagtatangka.
Noon pang Nobyembre 12 nagsimulang alisin ng excavators ang mga lupa, konkreto at tipak ng bato sa ginagawang tunnel sa northern Himalayan state ng Uttarakhand, matapos na gumuho ang isang bahagi nito.
Subali’t bumagal ang rescue efforts dahil sa naglalaglagang debris at paulit-ulit na pag-breakdown ng heavy drilling machines.
Sinubukan ng mga inhinyero na maglagay ng isang steel pipe nang pahalang sa debris, sapat ang lapad upang maisiksik ng mga na-trap ang kanilang sarili palabas mula sa hindi bababa sa 57 metro o 187 talampakang lupa at batong nakaharang sa kanilang daraanan.
Subali’t ang drilling ay inihinto noong Biyernes, matapos na lumikha ng panic ang isang cracking sound ayon sa mga opisyal.
Sa ngayon ay naghahanda na ang mga team na humukay ng panibagong shaft mula sa itaas, kaya mapipilitan ang mga trabahador na gumawa ng isang bagong track paitaas sa ibabaw ng mabundok na burol para sa kinakailangang heavy equipment.
Sa pagtaya ng mga opisyal, ang bagong shaft ay dapat na may sukat na 89 na metro o 291 talampakan ang lalim upang makarating sa mga lalaking na-trap.
Una nang nagbabala ang mga eksperto tungkol sa impact ng malawak na konstruksiyon sa Uttarakhand, na ang malaking bahagi ay lantad sa landslides.
Sinabi ni Uttarakhand chief minister Pushkar Singh Dhami, “Every effort is being made, workers trapped in the tunnel are safe.”
Aniya, kinausap na niya si Prime Minister Narendra Modi tungkol sa krisis.
Sinabi naman ng local civil servant na si Abhishek Ruhela, “The track in the new drilling site is three-quarters built.”
Ayon pa kay Ruhela, “Up to 900 metres (2,950 feet) of the 1,200 metre-long road being built for drilling over the tunnel has been completed.”
Nakikipag-usap ang rescuers sa mga na-trap na manggagawa sa pamamagitan ng radyo, habang ang pagkain, tubig, oxygen at gamot at ipinadadala sa pamamagitan ng isang makipot na tubo.
Nitong Lunes ay sinabi ni Anshu Manish Khalkho, direktor ng highways and infrastructure company ng gobyerno na NHIDCL, na matagumpay na nakapaglagay ang mga trabahador ng isang mas malapad na 15-sentimetro o anim na pulgadang tubo, upang makapagpadala ng mas maraming pagkain.
Aniya, “We will now provide them with food and medical supplies through that pipe.”
Sinabi naman ng independent disaster investigator na si Arnold Dix, pangulo ng International Tunnelling and Underground Space Association, “We are going to find a solution and get them out. A lot of work is being done here. It is important that not only the men rescued but also the men who are (doing the) rescuing are safe.”
Ang nasabing tunnel ay bahagi ng infrastructure project ni Modi, na ang layunin ay pabilisin ang biyahe sa pagitan ng ilang pinakasikat na Hindu sites sa India, at mapadali ang access sa strategic areas sa bordering rival nito na China.