Pag-tuklas sa iba pang wika at diyalekto sa bansa isusulong ng komisyon ng wikang pilipino sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa buwan ng Agosto
Magsasagawa ng masusing pananaliksik at pag-aaral ang Komisyon ng Wikang Filipino o KWF para tuklasin ang iba pang katutubong wika at diyalekto sa bansa sa pagdiriwang ng Buwang ng Wika sa buwan ng Agosto.
Sinabi ni Ginang Lourdes Hinampas Pinuno ng Sangay ng Leksikograpiya at mga Korpus ng Pilipinas ng Komisyon ng Wikang Pilipino na dahil sa dami ng mga wika at diyalekto sa bansa masalimuot, komplikado at magastos kaya may mga wika na hindi pa naaaral at nasasaliksik.
Ayon kay Ginang Hinampas sa kasalukuyang tala ng Komisyon ng Wikang Pilipino mayroong 135 katutubong wika sa bansa.
Inihayag ni Ginang Hinampas mayroon namang 40 katutubong wika sa bansa ang nanganganib na mawala dahil hindi na ito masyadong ginagamit sa lugar kung saan ito katutubong umusbong.
Vic Somintac