PAGASA nagtaas ng flood alert sa ilang bahagi ng Mindanao

pagasa

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Nagtaas ang PAGASA ng flood alert  sa ilang bahagi ng Mindanao dahil sa malakas na buhos ng ulan mula kaninang madaling araw.

Ayon sa PAGASA ,dulot ito ng Intertropical Convergence Zone  o ang nagsasalubong na hangin na may magkakaibang temperatura at may dalang makapal na ulap.

Kabilang sa mga lugar  ang Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, Misamis Occidental at Lanao del Norte.

Sa kabila nito, nilinaw ng PAGASA na wala namang inaasahang bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility sa linggong ito.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *