Pagbaba ng Alert level sa NCR, ibabatay sa scientific data ng mga kaso ng Covid-19
Nakasalalay pa rin sa scientific data ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region para ibaba na sa Alert level 3 mula sa Alert level 4 na umiiral hanggang October 15.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na kasalukuyang pinag-uusapan ng Inter-Agency Task Force ang mga data na mula sa mga eksperto hinggil sa attack rate ng COVID-19 at ang hospital bed utilization sa Metro Manila.
Ayon kay Roque bago matapos ang October 15 ay maisusumite na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng IATF kung ibaba na sa alert level 3 ang NCR simula sa October 16.
Batay sa kahilingan ng mga negosyante sa IATF kailangan ng maibaba sa alert level 3 ang Metro Manila dahil bumababa na ang attack rate ng COVID-19 para maragdagan ang galaw ng mga negosyo at makabangon ang ekonomiya ngayong last quarter ng taon.
Vic Somintac