Pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa, ipinagmalaki ng Malakanyang
Ikinatuwa ng Malakanyang ang SWS survey na bumaba ng 15.7 percent ang walang trabahong mga Pilipino.
Ito na ang second lowest recorded joblessness rate na naitala magmula nuong March 2004.
Kalakip din sa resulta ng survey ng SWS na umabot sa plus 41 ang optimism rate na mga Pinoy na naniniwalang marami pang mga trabahong madaragdag sa hinaharap.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque inaasahan na ito ng Duterte administration kasunod ng pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act habang nakalinya rin ang Build, build, build infrastructure program na magbibigay ng milyong milyong trabaho para sa mga Pilipino.
Ayon kay Roque patunay lamang ito na nasa right track o tama ang tinatahak ng Duterte Administration kung pag-uusapan ay sustainable and inclusive growth.
Inihayag ni Roque ang patuloy na pagbuti ng kalagayan ng bansa ay magsisilbing insperasyon sa Duterte administration para maisulong ang ganap na pagbabago sa bansa.
Ulat ni Vic Somintac
=== end ===