Pagbaba ng Covid-19 cases sa bansa, matatagalan pa dahil sa limitado pang mga suplay ng bakuna- OCTA Research Team
Masaya ang Octa Research Team sa pagdating ng Sinovac vaccine sa bansa na donasyon ng Chinese Government sa bansa.
Ayon kay Dr. Guido David ng Octa Research Team, dahil nasimulan na Vaccination program ng gobyerno ay tumaas ang tiwala ng publiko sa bakuna.
Gayuman, matatagalan pa aniya bago makita ang epekto ng bakuna kontra Covid-19 sa bansa dahil sa limitado pang suplay nito.
Kaya paalala ni David sa publiko, dapat pa ring panatilihin ang pagsunod sa mga umiiral na health protocol.
“Matagal pa bago tayo makakita ng pagbaba sa kaso kasi konti pa lang ang nababakunahan. Peor kapag nakapag-rollout na tayong sufficient number, magsisimula ngng bumaba ang kaso natin tulad ng nangyari sa Israel na 25% bago nakita ang pagbaba ng kaso”.
Sa ngayon ay nasa responsibilidad na ng mga lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng mahigpit na border control lalu na’t may mga naitala nang transmission ng bagong variant ng Covid-19.
“ Pag yung variant ang umiikot mas nakakahwa sya, 50% more infectious sya compare sa ancestral version kaya kailangan mag-doble ingat tayong lahat. Sa border control ay iimplement natin ang enough strictly sana para hindi gaanong masyadong makalusot yung mga may Covid at makahawa sa ibang lugar”.