Pagbaba ng edad ng Criminal responsibility, pinaburan ng isang Pangasinan Congressman

Pabor si dating NCRPO chief at ngayo’y Pangasinan 2nd district Rep. Leopoldo Bataoil na babaan pa ang edad ng Criminal responsibility.

Matatandaang inirekomenda ng Senate Committee on Justice  na ibaba sa 12 anyos mula sa 15 anyos ang edad ng pananagutan ng batang lumabag sa batas.

Ayon kay Bataoil masusi itong pinag-aralan ng mga mambabatas at mga social scientist.

Base rin aniya sa kaniyang karanasan bilang dating isang Police official, talagang nagagamit ang ilang mga kabataan sa mga gawaing iligal at kriminal.

Dapat  aniyang masusing ginagabayan ng mga magulang ang mga anak upang hindi magamit ng mga masasamang elemento.

Pinag-aralan na mabuti yan, masusing research ang ginawa dyan. Pinakinggan ko yung mga Pros and Cons, Advantages at Disadvantages at base sa aking karanasan, talagang nagagamit ang mga bata sa mga gawaing kriminal at iligal. Dapt gumawa ring ng legal terms para masugpo ang mga taong gumagamit ng mga bata sa kanilang mga iligal na gawain” – Cong. Leopoldo Bataoil

 

=============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *