Pagbaba ng inflation hindi maramdaman ng Agri Sector – Sinag
Inamin ng mismong Sektor ng Agrikultura na maski sila ay hindi maramdaman ang pagbaba ng Inflation Rate sa ating bansa.
Sa panayam ng Siyento Por Siyento kay Samahang Industriya ng Agrikultura o Sinag President Rosendo So, ito ay dahil sa mataas pa rin ang presyo ng mga bilihin partikular ang langis na kailangan ng mga magsasaka sa mga patubig sa sakahan.
Pero dahil sa mabagal na pagtaas ng bilihin, inaasahan nilang makakatulong iyon para huwag mapressure ang ating ekonomiya sa patuloy nitong pagsigla.
Samantala, hindi pa naibibigay sa ngayon ang 12.7-billion pesos na cash assistance sa mga magsasaka.
Kaya ang apela nila sa gobyerno, pabilisin ang pagbibigay ng ayuda.