Pagbaba ng inflation rate sa bansa, welcome development ayon sa Malacanang
Ikinatuwa ng Malacañang ang pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority kaugnay sa pagbaba sa 4.4% ng inflation rate sa bansa na naitala sa buwan ng Enero.
Ito na ang ikatlong sunod na buwan ng pagbaba ng inflation rate sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo noong nakaraang taon, nasubok ang kakayahan ng pamahalaan dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Inihayag ni Panelo nanatili aniya administrasyon na nakatutok sa mandato ng Pangulo na hanapan ng solusyon ang problemang sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.
Dahil dito ayon kay Panelo magpapatuloy ang pamahalaan sa pagmo- monitor ng presyo ng mga pangunahing bilihin
sa merkado bilang pagtalima sa kautusan ng Pangulo na pababain ang epekto ng kahirapan at pagkagutom sa bansa.
Noong Disyembre 2018, nasa 5.1% ang naitalang inflation rate, habang nasa 6.0% naman noong Nobyembre.
“The Palace is pleased with the good news that for the third straight month, inflation continues to drop, registering at 4.4% in January 2019 based on the latest report of the Philippine Statistics Authority (PSA) which was released today.
Last year, soaring prices caused by uncontrollable factors tested our will as a nation. Not disheartened nor cowed, we rose to the challenge as a people. With the President’s strong and decisive action, we remained focused and steadfast as we addressed the conditions that contributed significantly to inflation.
Inflation rate simmered down to 6.0% in November 2018 and slid further to 5.1% in December 2018. With inflation further tapering down to a 10-month low of 4.4%, this Administration will oversee and ensure that its consequent effects at the market would be felt by the ordinary consumer.
We will remain on guard in monitoring the prices of basic goods and commodities as we aim to mitigate poverty and hunger, driven by the President’s economic goal to lay down and build the foundation to a comfortable life for the present and future generations”.
Ulat ni Vic Somintac