Pagbaba ng kaso ng Covid-19 sa Laguna, hindi dapat iasa lang sa mga otoridad -Gov. Ramil Hernandez .
Ngayong isasailalim na sa GCQ with heighten restriction ang buong Laguna simula bukas, Mayo 15, nananawagan naman sa publiko si Governor Ramil Hernandez na huwag iasa ang lahat sa mga otoridad ang pagbaba ng kaso ng Covid 19 sa lalawigan.
Kasunod na rin ito ng naging obserbasyon ng UP-Octa-research na hindi pa rin umano stable ang pagbaba ng kaso ng virus sa lalawigan.
Sa kasalukuyan, pangalawa ang laguna province sa may marami at may mataas na naitatalang kaso ng covid 19 sa region 4a
Ayon sa gobernador, nasa kamay ng bawat indibidwal nakasalalay ang kooperasyon, kaligtasan at pag iingat ng sarili laban sa virus.
Sinabi pa ng gobernador na sana ay huwag katamaran ang patuloy na pagsunod sa mga ipinaiiral na health and safety protocol dahil nariyan pa rin ang banta ng virus.
Dapat sundin ng bawat isa sa lalawigan ang tamang pagsusuot ng facemask at face shield at ang social distancing, may nakakakita mang mga otoridad o wala dahil ito ay para sa ikabubuti ng lahat.