Pagbaba ng mga nagugutom na Pinoy sa SWS Survey, ikinatuwa ng Malakanyang
Itinuturing ng Malakanyang na positive development ang resulta ng Fourth Quarter 2018 Social Weather Stations (SWS) survey na nagpapakitang bumaba sa 10.5% ang hunger rate o bilang ng mga Pilipinong nagsasabing nakakaranas ng gutom noong Dec 2018 mula sa 13.3% noong September 2018.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo nagpapatunay ito na nabawasan ang mga Pilipinong nagugutom.
Sinabi ni Panelo ang pagbaba ng bilang ng mga nagugutom ang isa sa mga dahilan kung bakit mayorya pa rin ng mga Pilipino ang nagtitiwala sa Pangulo.
Inihayag ni Panelo patunay ito na nagbubunga na ang sinseridad ng Pangulo na ibsan ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ibinida rin ni Sec. Panelo na naglalaro sa 6.6% ang nilalago ng ekonomiya ng bansa sa unang dalawang taon ng Duterte administration na di hamak na mas mataas umano sa kaparehong panahon ng mga nakaraang administrasyon.
Positibo ang Malacañang na ngayong 2019 papasok sa upper-middle income ang status ng bansa base sa taya ng Department of Finance.
Ulat ni Vic Somintac