Pagbaba ng ranking ng Pilipinas sa World press freedom index tanggap ng Malakanyang
Hindi ininda ng Malakanyang ang pagbaba ng ranking ng Pilipinas sa World Press Freedom Index.
Ngayong taon nasa 147th ang puwesto ng Pilipinas mula sa 138th noong nakaraang taon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar batay naman sa pahayag ng Reporters Without Borders nananatiling buhay ang kalayaan sa pamamahag sa bansa.
Ayon kay Andanar,malaki ang naitulong ng Presidential Task Force on Media Security na nilikha ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mabigyan ng proteksiyon ang mga mamamahayag sa bansa.
Inihayag ni Andanar batay din sa Reporters Without Borders hindi kabilang ang Pilipinas sa red list at 10 worst countries sa mga media practitioner.
Vic Somintac