Pagbaba ng singil sa kuryente ngayong Mayo, nakatulong sa pagbaba ng Inflation rate sa bansa
Nakatulong ang pagbaba ng singil sa kuryente ngayong buwan sa pagbaba ng inflation rate sa bansa.
Paliwanag ni Joe Zaldarriaga, Assistant Vice-President at Head ng Public Information office ng Manila Electric Company o Meralco, naging contributor ang lower rate sa inflation dahil bukod sa mga household, ginagamit rin ang kuryente sa mga commercial establishments at mga industrial companies.
“Ang power rates has an impact on inflations. So at least kahit papano dahil bumaba ang halaga ng kuryente ngayong Mayo, naging contributor yung factor ng lower rates sa inflation na imbes na tumaas ay nakatulong na mapababa yung inflationary impact”.
Kasabay nito, pinayuhan din ni Zaldarriaga ang publiko na panatilihing nasa maayos ang kundisyon ng mga appliances na ginagamit sa tahanan, linisin ng regular lalu na ang mga ginagamit na air conditioned appliances at electric fan dahil at iwasan ang paggamit ng mga appliances na madalas nang masira dahil ang mga ito ay nakakadagdag sa konsumo sa kuryente.
==============