Pagbaba ng Unemployment at Inflation rate, indikasyon na gumaganda ang ekonomiya ng bansa – ayon sa Malakanyang
Naniniwala ang economic team ng Duterte administration na magtutuluy-tuloy pa ang paglago ng ekonomiya ng bansa hangang sa katapusan ngayon taon.
Sinabi ni National Economic Development Authority o NEDA Director General Ernesto Pernia ilan sa mga indicator sa pagganda ng ekonomiya ay ang pagbaba ng unemployment rate sa Pilipinas.
Ayon kay Pernia mula sa 5.3 percent noong nakaraang taon ay bumagsak ito sa 5.2 percent pinamakababang bilang ito sa loob ng isang dekada.
Inihayag ni Pernia malaking bagay umano para sa ekonomiya ang malaking bilang na nabawas sa mga walang trabaho.
Idinagdag pa ni Pernia bumababa din umano ang underemployment rate mula sa 18percent ay naging 15 percent.
Niliwanag ni Pernia may maganda ding epekto sa ekonomiya ang pagbaba ng inflation rate sa bansa mula sa 4.4% ay naging 3.8 percent nalang ito nitong Pebrero.
Ulat ni Vic Somintac