Pagbaba sa Alert level 3 mula Alert level 4 sa NCR, posible – Malakanyang
Malaki ang posibilidad na maibaba na sa Alert Level 3 mula sa Alert Level 4 ang National Capital Region.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa kanyang regular press briefing sa Malakanyang.
Sinabi ni Roque na kung pagbabatayan ang mga data ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila patuloy itong bumababa batay sa obserbasyon ng OCTA research group at data analytics ng Department of Health.
Ayon kay Roque bumaba na ang 2-week growth rate at daily attack rate ng COVID-19 sa Metro Manila.
Inihayag pa ni Roque dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila maituturing ng low risk ang NCR.
Niliwanag ni Roque maglalabas ng rekomendasyon ang Inter-Agency Task Force para pagtibayin ni Pangulong Rodrigo kung ibaba na sa Alert level 3 mula sa Alert level 4 ang Metro Manila simula sa October 16.
Vic Somintac