Pagbabahay-bahay ipagpapatuloy ng QCPD

Tuloy tuloy pa rin ang gagawing pagbabahay bahay ng Philippine National Police para alamin ang kalagayan ng kanilang mga nasasakupan.

Sa panayam ng Eagle in Action sinabi ni QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, bagaman nagsagawa sila ng pangangatok sa mga bahay-bahay ay isinasabay na lamang nila rito ang pagtatanong kung nais ba ng mga itong sumailalim sa drug test .

Nilinaw pa ni Eleazar na hindi naman isang police operation ang kanilang isinasagawa at hindi rin sapilitan ang kanilang paghihikayat sa mga residente na sumailalim sa drug test lalo kung ayaw ng mga taong kanilang makakausap.

Kaya sa ngayon magtatalaga na lamang sila ng help desk sa mga barangay hall para sa mga nais magpa-drug test nang libre.

Pinag uusapan rin nila ang iba pang mga magagandang hakbang na dapat nilang gawin upang mapaganda pa ang kanilang mga kampanya laban sa illegal na droga.

“Itutuloy parin po natin ang house visitation dahil ang ating pag – iikot sa mga bahay bahay ay talagang mandato sa mga police operation na alamin ang mga concern ng ating mga kababayan. Isinama na lamang natin dito ang paghihikayat sa kanila na mag under go ng libreng drug test. At sop talaga dito ay sa barangay ginagawa at may pagkakataon na may residente na sa kanilang bahay isagawa at amin naman pong pina uunlakan”. – QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar

Ulat ni: Marinell Ochoa

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *