Pagbabakuna gamit ang Pfizer BioNtech, sinimulan na ng Manila LGU
Sinimulan na sa Maynila ang pagbabakuna gamit ang COVID-19 vaccine ng Pfizer BioNtech.
Ayon kay Manila Health Department Chief Dr. Arnold Pangan, Health workers muna ang prayoridad nila na mabigyan ng Pfizer vaccines.
Ang vaccination ng Pfizer vaccine ay ginawa sa Sta. Ana Hospital.
Muli rin namang ipinagpatuloy ng Manila LGU ang pagtuturok ng COVID-19 vaccine ng Astrazeneca.
Para sa 1st dose ng brand na ito ng bakuna, ang vaccination at sa 18 sites na itinakda ng Lokal na Pamahalaan para sa mga kabilang sa A2 priority group o mga Senior Citizen.
Bukod rito ay isinasagawa rin ang second dose vaccination gamit ang Astrazeneca vaccine sa Ospital ng Maynila Medical Center para naman sa mga kabilang sa A1 hanggang A3 o mga medical frontliner, senior citizen at person with comorbidity.
Mahigpit naman ang paalala sa mga magpapabakuna na magsuot ng face mask at shield at pairalin ang physical distancing pagdating sa Vaccination sites.
Madz Moratillo