Pagbabakuna kontra Covid-19 ng bansa, umarangkada na; UP-PGH Dir. Gerardo Legaspi unang nabakunahan ng Sinovac vaccine
Matapos ang matagal na paghihintay, nasimulan na ang Vaccination program ng gobyerno kontra Covid-19.
Dito sa bansa, ang unang nabakunahan kontra Covid 19 gamit ang Sinovac ay si Dr. Gerardo Legaspi, ang direktor ng UP-Philippine General Hospital sa ginagawang ceremonial vaccination sa PGH.
Ang unang vaccinator o nagturok ng bakuna kay Dir. Legaspi ay si nurse Sherlock Santos ng PGH.
Pagkatapos bakunahan, ini-encode ang ilang impormasyon sa computer pagkatapos ay binigyan ng instruction si Legaspi sa mga maaari niyang mararamdaman pagkatapos mabakunahan.
Binigyan din si Legaspi ng Certificate na siya ay nabakunahan na ng Sinovac.
Sumunod namang nabakunahan ay sina Dr. Edsel Salvaña Ng UP-NIH na practitioner din sa PGH at si Food and Drugs Administration (FDA) Director General Eric Domingo.
Pagkatapos nila, ay sumunod namang binakunahan ang ilang Admin staff ng PGH.
Habang si Presidential spokesperson Harry Roque ay nagpa-pre-register na rin para mabakunahan ganundin si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez.
Nabakunahan na rin si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos,
Nasa 1,200 doses ng Sinovac vaccine ang natanggap na alokasyon ng PGH.
Umaasa ang pamunuan ng PGH na makatutulong ang ginawang Ceremonial Vaccination na ito para mapataas ang kumpiyansa ng mga Health workers na magpabakuna.
Mula sa 94% na nagsabing magpapabakuna sa ginawang Pre-Registration ay bumaba ito sa 10% na lamang.
Madz Moratillo