Pagbabakuna kontra Covid-19 sa mga menor de edad sa Maynila, sinimulan na rin
Sa Maynila sinimulan na rin ang pagbabakuna sa mga menor de edad na may comorbidities.
Kaugnay nito, isang ceremonial vaccination ang isinagawa sa Ospital ng Maynila Medical Center kung saan pinangunahan ni Vice Mayor Honey Lacuna ang pagtuturok sa mga kabataan.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, noong Setyembre pa naihanda ng lokal na pamahalaan ang Covid-19 vaccines na gagamitin para sa mga nasa edad 12 hanggang 17 anyos.
May 23,354 doses ng bakuna na aniya para sa mga menor de edad ang kanilang naireserba.
Ang 22,854 doses aniya rito ay bakuna ng Pfizer habang ang 500 ay Moderna vaccines.
Ayon kay Moreno, ang pagbabakuna sa mga kabataan ay bahagi sa target ng Manila LGU upang makabalik na sa normal ang lahat.
Sa Maynila ang pagbabakuna sa mga menor de edad ay ginagawa sa Ospital ng Maynila Medical Center at Philippine General Hospital.
Madz Moratillo